OPM Music

Showing posts with label buhay Amerika. Show all posts
Showing posts with label buhay Amerika. Show all posts

Friday, August 21, 2009

August 21, 2009 Friday Unang Post

Nasa US pa rin ako.

Parang Baguio lang ang lamig...mas malamig pa yata.

5:30 am gising na...inihatid ko si panganay at si bunso sa trabaho.

Nauna si panganay bumaba sa McDo.

6:30 am Si bunso dun sumakay sa Richmond Parkway.
Naghintay siya ng carpool...libreng sakay papuntang San Francisco City sa Old Navy.
Ang Galing ano...nakatipid siya ng 4 dollars...pasasalamatan ka pa ng may-ari ng sasakyan. Sana ganun din sa Pilipinas.

Balik sa bahay ng 7am...balik ulit sa kama...tulog muna.zzzzzzz

8:30 am na...hmmmm bangon na...mainit na tsa muna...

Binuksan ko na ang computer....basa ng email...

Silip naman sa aking blog site...teka may nagbasa kaya sa aking blog??

Hmmm...meron nagcomment...si PND...hayyy masaya na ako dahil may 10 na naligaw na nagbasa ng aking blog.

Konting kutkot sa computer...tanghalian na naman.

KKKKKKAKAINNNNN NA!!!! 11:30 am na yun.
Litsong manok ang ulam...sarap ah Pinoy na Pinoy!

Bukas ang TV TFC...Wowowee...

12:45pm hatid si pangalawa sa clinic na papasukan niya.
1:00pm diretso sundo naman si panganay.

Nakakita ng garage sale sa daan. Silip muna...Nakabili naman.

3:30pm medyo nakakaantok...ang init sa kalye...maka-idlip muna sandali.

4:00pm hmmmmm...gising na.

5:00pm nag-text si bunso...pasundo daw sa Richmond Parkway...mag-bus daw siya.
Yung kapatid ko na ang sumundo...kasabay na ng misis niya.

6:30pm sundo naman si pangalawa.

7:00pm dinner na...wow sarapppp....arroz caldo with tokwa!

9:21pm eto nagsusulat nitong first story ko for the day.

Thank God!...thank you Guardian Angels!