- almost 634 months na ako dito sa mundo.
Pinipilit kong balikan sa aking isip ang mga nangyari nuong bata pa ako pero konting-konti lang ang detalye ang aking naa-alala. Dahil lang sa mga litrato nung bata pa ako kaya medyo mayron akong napi-picture sa isip.
Yung mga nangyari nung grade 1 and 2 ay di ko rin maidetalye...maliban sa mga class pictures...ayun dun ko lang maaalala kung sino ang aking titser at mga klasmets.
Simula grade 3 hanggang grade 6 ay medyo malinaw na ang mga detalye. Kahit walang litrato ay masasabi ko kung sino ang aking mga teacher at mga klasmets. Naaalala ko rin ang mga kapilyuhan ko nuon. Madalas akong kasali sa programa sa graduation ng iskul taon-taon...madalas dancer.
Pero ang isang malinaw na mga naaalala ko ay ang bawat bakasyon...ang bakasyon pagkatapos ng iskul...siyempre summer vacation. laro dito laro doon, madalas ang piknik sa batis, basketbol dito basketbol doon. Hindi lang puro laro ang baskasyon, naka-esperience din ako na mag-trabaho...hehe opo totoo magtrabaho. Naglalako ako ng pandesal sa umaga at bitso-bitso(parang donut) sa hapon...paikot-ikot sa buong bayan. At paminsan-minsan ay ice candy. Barya-barya lang noon ang kita pero masaya sa isang bata.
Malungkot ang graduation ng grade 6 kasi puwedeng di na kayo magkakasama sa high school. At yun nga ang nangyari sa akin...pumasok ako sa isang City...16 kilometers ang layo sa bayan namin.
Ang high school ang simula na ng tunay na aral sa akin.
-to be continued
No comments:
Post a Comment